“We are here for the long haul and are pleased to assist Bohol in building back better.”
Ito ang binigyan-diin ni Australian Ambassador Bill Tweddell nang makipagpulong kay Bohol Governor Edgar M. Chatto kasabay ang paglulunsad sa Abot Alam at Book for Asia program at pagtataguyod sa Basic Education Sector Transformation o BEST program.
Bukod sa donasyong 40,000 libro, na katuwang ang The Asia Foundation, nagtayo ang Embahada ng Australia, kaagapay ang Philippine Business for Social Progress (PBSP), ng tatlong silid-aralan sa San Miguel Elementary School.
Umaayuda rin ang Embahada sa paghahanap sa mga OSY para mapagkalooban ng edukasyon, trabaho at hanapbuhay.
Muling bumisita si Amb. Tweddell sa Bohol para dalhin ang nabanggit na ayuda matapos ang 7.2 magnitude na lindol noong Oktubre 2013, kung kailan kabilang sa mga unang tumugon ang gobyernong Australian na nagkaloob ng P366 milyon.