ILANG araw matapos ang kanilang kasal, lumabas na ang mga litratong kuha sa kasal nina George Clooney at Amal Alamuddin sa People magazine.
Ang People ay mayroong 25 litrato ng "emotional ceremony" na dinaluhan ng 100 guests, lahat ay istriktong dinala sa Aman Canal Grande Venice ng Italy sakay ng water taxi noong Sabado, Setyembre 27.
Tinawag ni George Clooney, 53, ang kasal na "pretty damn great."
"George and Amal radiated love all night," sabi sa publication ng ina ng nobya na si Baria, editor sa Arabic newspaper na Al-Hayat. "The wedding was so unbelievably special, it was legendary. These three days – the friends, the families, the atmosphere, everything -- will stay with me all the rest of my life."
Ang wedding night ng mag-asawa ay puno ng madamdaming mga talumpati ng kanilang mga kapamilya, kabilang na ang sa ina ni Amal. "I said, 'George, we love you truly, deeply and sincerely. We enjoy your charm, your wit, intelligent conversation and generosity. You are simply perfect.'"
Nagsalita rin ang ama ni George na si Nick Clooney, sinabing, "George and Amal present us with... belief that in this place and at this moment, love is alive and well."
Ito rin ang mensahe sa talumpati ng kabigan ni Amal na si Jae Kim, "I had never seen her smile like that. She has had that smile now for almost a year straight!"
Tungkol naman mga mga kasuotan ng bride and groom, si George ay nagsuot ng Giorgio Armani. Ang sleek black tuxedo ng aktor ay bahagi ng Made to Measure collection, at gawa sa "ultra-fine wool/cashmere" at "paired with a white shirt, black bow tie and oxfords in smooth, brushed black leather." Para maging kumpleto ang kanyang handsome look, nagsuot ang groom ng customized cufflinks, "a gift from his bride, with 'George' inscribed in Arabic."
"[Giorgio is] the class act of all class acts," sabi ni George. "He's been a good friend for many years and the night wouldn't be complete without him."
"It is a privilege and a pleasure for me to dress him for this occasion, in which he stars in the most important role: that of the groom," dagdag ng designer sa kanyang kaibigan.
Suot naman ng bride ang custom "Oscar de la Renta French lace wedding gown, hand-embroidered with pearls and diamante accents, featuring an off-the-shoulder neckline and a full circular train." Pinuri ang kanyang wedding-dress designer, sinabi ng British lawyer na si Amal sa People na, "He's such an elegant designer and such an elegant man."
Nakalugay lamang ang buhok ng bride, at ang personal ang kanyang accessories.
Iniulat ng People na ang kanyang jewelry ay "consisted of natural pearl earrings with square-cut diamond accents, a gift from her parents, Baria and Ramzi Alamuddin."
Ang kanyang Cathedral veil ay may Chantilly lace, beading at crystal embroidery.
In true Clooney fashion, nagbiro ang aktor na ang kanyang mga bisita ay nag-uwi ng hangover bukod sa mga iPods na may special playlist na nilikha ng couple.
Bagamat dumalo si Bono ng U2, si Nora Sagal, anak ng kanilang mga kaibigan, ang umawit ng Always ni Irving Berlin sa wedding ceremony—ang awitin na isinayaw ng mga magulang ni George sa kanilang kasal -- at at Why Shouldn't I? naman ni Cole Porter ang kanilang naging first dance sa reception.
Pagkatapos ng kasal sa Venice noong Sabado, walang lumutang na litrato ng bride na lalong nagpainit sa mga espekulasyon kung sino ang pinili niyang designer ng kanyang wedding dress. Buong weekend, nagsuot siya ng Dolce and Gabbana, Alexander McQueen at Stella McCartney.
At ano susunod para sa newlyweds? Sinabi ng happy groom sa People, na inilabas sa newsstands ngayong Miyerkules, na "We're looking forward to everything."
Sina George at Amal ay nasa cover din ng Hello! magazine ng Britain. Pinapasok din ng bride ang Vogue magazine sa kanyang dress fitting, at dumalo rin sa seremonya ang editor-in-chief ng publication na si Anna Wintour. - ET/Yahoo Celebrity