Pinagtibay ng Kamara sa pangalawang pagbasa ang panukalang nag-aatas sa Philippine Postal Corporation na magpalabas ng mga selyo na nagpapakita sa magagandang lugar sa bansa.

Ipinasa ito ng Committee on Government Enterprises and Privatization na pinamumunuan ni Rep. Jesus Sacdalan (1st District, North Cotabato) noong Setyembre 17.

Batay sa House Bill 5023 na ipinalit sa House Bill 2417 na inakda ni Rep. Eric Olivarez (1st District, Parañaque City), binigyang-diin ang layuning higit na maisulong ang iba’t ibang tourist destinations sa bansa upang maingganyo ang mga dayuhang turista na magtungo roon at mapalakas ang tourism campaign slogan na “It’s more Fun in the Philippines.”
National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol