Ano’ng EA? Ano’ng business card?

Itinanggi ng isang police chief superintendent na nagbigay siya ng isang business card sa isang modelo na ginamit nito umano sa pananakot ng traffic aide upang siya ay hindi hulihin sa traffic violation.

Sinabi ni Chief Supt. Alexander Ignacio ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Plans, na hindi makatarungang isabit ang kanyang pangalan sa pag-iwas ng modelong si Alyzza Agustin sa traffic violation gamit ang business card ng heneral base sa ipinaskil ng teenager sa Facebook.

Base sa naipaskil umano ni Agustin sa kanyang FB account ay may ranggong “director” si Ignacio na mariing pinabulaanan ng police official dahil kasakuluyang gamit pa rin nito ang ranggong police chief superintendent na may katumbas na one-star general sa military.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“Ang card na ipinaskil niya (Alyzza) ay hindi official business card na kumakatawan sa aking tanggapan, pati ang ranggo at posisyon,” pahayag ni Ignacio sa isang kalatas .

Si Ignacio ay kasalukuyang nasa Malaysia upang dumalo sa international police forum.

Wala rin aniyang posisyo ng “EA” o executive assistant sa kanyang tanggapan.

Naging kontrobersiyal si Ignacio matapos ipaskil ni Agustin sa FB na ginamit niya ang isang business card mula kay “Boss Alex,” na umano’y si Ignacio, upang makaiwas sa traffic violation.

“Nahuli na naman ako dahil coding but because of you Boss Alex wala ng huli huli. Thank you so much sa napaka useful mong card with matching dedication pa, #happykid,” ipinaskil ni Agustin sa Facebook.

Nakasulat umano sa likuran ng card “Pls assist my EA Alyzza Agustin” na may lagda pa umano ni Ignacio. - Aaron Recuenco