Sasabak ngayon sa isang pinakamalaking kompetisyon sa mundo ang tatlo sa bigating professional skateboarder ng Pilipinas na sina DC Shoes Philippine Skateboarding riders Marvin Basinal at Nice Quinlatang at Philippines No. 1 skateboarding king at Converse Asia pro skate Jeff Gonzales sa World Skateboarding Championship sa Kimberly, South Africa.

Ang Nothern Cape Tourism of South Africa, sa pangunguna ni Johann Van Schalkwyk, at sina World Skateboarding Grand Prix President Tim Mcferran ang mangunguna sa event na ito. Sila ang sumuporta sa Filipino skateboarders na sumali dito. Halangang $500,000 ang paglalabanan at 35 bansa ang sumali sa event.

Pinangunahan ng URGE SPORTS, sa pangunguna ng CEO at president na si Jon Naguit, para maisakatuparan na makapagpadala ng skateboarder ang bansa sa kompetisyon. Si Basinal at Quilantang ay produkto din ng taunang Urge Super X Series kung saan ay tinanghal silang national champions, bukod pa sa mga beterano sila ng mga local na skateboarding contest sa bansa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, si Gonzales ay silver medalist sa Asian Extreme Sports Championship sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang World Skateboarding Championship ay lalahukan ng 170 mga bansa kung saan ay pangungunahan ito ng mga bigating manlalaro ng skateboarding na gaya nina Nyjah Huston, Evan Smith, Matt Berger, PLG, Andy MacDonald, Mitchie Brusco, Clint Walker, Phil Zwijsen, Ben Hatchell, TJ Rogers, Tyson Bowerbank, Dane Burman, Justin Brock, Marius Syvannen, JT Aultz, Boo Johnson, Tom Knox at Cenk Kulioglu.