Muli na namang nabahiran ng problema ang pagbabalik ni Michael Phelps at ito’y malayo naman mula sa pool.
Inaresto ang Olympic champion sa ikalawang pagkakataon sa DUI charges kahapon ng madaling araw sa kanyang hometown sa Baltimore, ang isa pang embarrassment para sa swimmer na minamataang sumabak sa Rio Games.
Nag-isyu naman si Phelps ng paumanhin na halos pamilyar sa kanyang ipinahayag matapos ang drunken-driving arrest isang dekada na ang nakaraan, at maging nang ilabas ng British tabloid ang photograph noong 2009 na nagpapakita na gumagamit siya ng marijuana pipe.
''I understand the severity of my actions and take full responsibility,'' pahayag ni Phelps sa kanyang statement. ''I know these words may not mean much right now but I am deeply sorry to everyone I have let down.''
Kinasuhan ng Maryland Transportation Authority police ang 18-time gold medalist matapos na sabihin ng officers na nahuli nila ito na nagpapatakbo ng mabilis at bumagsak sa sobriety tests.
Nangyari ang pag-aresto isang buwan nang ang 29-anyos na si Phelps ay magwagi ng tatlong golds at dalawang silvers sa Pan Pacific Championships sa Australia, nagtakda sa kanyang sarili na sumabak sa susunod na summer's world championships at Rio sa 2016.