Nagpatuloy sa kanilang pamamayagpag ang NCAA squads na University of Perpetual Help at San Beda College-B makarang gapiin ang kanilang mga nakatunggali sa pagpapatuloy ng 12th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament.

Naisalba ni Cameroonian Akhuetie Bright ang Altas sa pamamagitan ng dalawang krusyal na free throws para ungusan ang La Salle, 73-72, sa St. Placid gymnasium sa San Beda College-Manila campus sa Mendiola.

Nanguna naman si Kevin de Castro na nagtala ng 21 puntos para sa SBC-B Red Lions sa kanilang pagpapataob sa National University, 66-49, sa Far Eastern University gym.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Tumapos na top scorer si Bright para sa Altas sa kanyang ipinosteng 25 puntos, kabilang ang dalawang free trhows sa huling 22.3 segundo ng laro para maiangat ang koponan sa liderato sa Group A na taglay ang barahang 5-1.

Puwede pa sanang maihatid ang laban sa overtime ngunit nagmintis naman sa kanyang free throws si Benoit Mbala na siyang tumapos na top scorer para sa Green Archers sa itinala nitong 20 puntos sa nalalabing 11.9 segundo ng laro.

Ang kabiguan ang ikatlo na ng La Salle sa loob ng limang laban.

Napigil naman ng Red Lions ang winning run ng Bulldogs sa Group C matapos ang limang laban habang itinala naman nila ang ikaapat na sunod na tagumpay.

Nagwagi din ang College of St. Benilde na pinamunuan ni Ahmed Sardouk na nagposte ng 17 puntos laban sa National College of Business and Arts, 79-70, at tinalo ng Emilio Aguinaldo College ang San Beda-A, 54-49.