Tiniyak ng Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao na makapaglalaro pa siya kahit na limitadong minuto sa kanyang koponan na Kia Motors sa pagbubukas ng ika-40 taon ng Philippine Basketball Association (PBA) sa kabila ng kanyang mahigpit na pagsasanay para paghandaan ang laban nito sa Amerikanong si Chris Algieri sa Nobyembre.

Bukod sa ginagawang pagsasanay para sa nakatakda niyang pagdepensa sa hawak na WBO welterweight title laban kay Algieri, playing coach din si Pacman ng Kia Motors.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa katunayan, sa kabila ng kanyang pagiging abala, nakukuha pa rin umano ni Pacquiao na sumipot sa regular na pag-eensayo ng kanyang team.

Ngunit nilinaw naman ni Pacquiao na ang kanyang prayoridad ay ang paghahanda sa laban nila ni Algieri.

Kaya naman ang kanyang tungkulin bilang coach ay pansamantalang ipinauubaya niya sa kanyang assistant coach na si Glenn Capacio.

“I already talked to (boxing) coach Freddie (Roach) that I am going to play in the PBA maybe just two to three minutes. My focus is on my training for the November fight,” pahayag ni Pacquiao sa isang panayam sa kanya ng AFP.