Nililimitahan ng Sandiganbayan ang dami ng mamamahayag na nagko-cover sa paglilitis ng kontrobersiyal na P10-bilyong pork barrel fund scam.

Idinahilan ni Pia Dela Cruz, ng Sheriff Division ng anti-graft court, na nagpalabas ng memorandum si Sandiganbayan Presiding Justice Cabotaje-Tang na nagsasabi umano na hindi dapat hihigit sa 200 miyembro ng media mula sa telebisyon, radyo at pahayagan ang bibigyan ng media identification card upang magamit sa kanilang coverage sa mga pagdinig sa pork scam cases na kinasasangkutan ng ilang mambabatas.

“Ipinahinto na po ni PJ Cabotaje-Tang ang pagre-release namin ng ID sa mga media dahil masyado na raw marami,” sabi ni Dela Cruz.

Una nang sinabi ng anti-graft court na kapag walang dalang media ID mula sa Sandiganbayan ang isang mamamahayag na inatasan ng kumpanya nito na i-cover ang mga pagdinig sa nasabing pork barrel fund scam, ay hindi maaaring makapasok ng court room para makakuha ng pinakabagong impormasyon sa kaso.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Sinabi rin ni Dela Cruz na aabot sa 20 aplikasyon sa access ID ang hindi na inaprubahan ng kanilang tanggapan alinsunod na rin sa kautusan ng nasabing mahistrado.

Kabilang sa nililitis ang mga kasong plunder at graft na kinakaharap nina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr.