Tinututukan ngayon ng pamahalaang panglalawigan at mga health official ang mahigit 500 evacuees na tinamaan ng iba’t ibang sakit sa mga evacuation center sa probinsiya.

Kabilang sa mga sakit na iniinda ng evacuees ang respiratory infection, lagnat, sakit ng ulo, alta-presyon, diarrhea at pagsusugat ng balat.

Nakapagtala rin ng mataas na kaso ng malnutrisyon at aabot sa 500 bata ang malnourished.

Patuloy naman ang medical mission sa mga evacuation site bukod pa sa mga nakaposisyong health assistance centers na sumusuri at nagmo-monitor sa kalusugan ng evacuees.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gayunman, minaliit ito ng Provincial Health Office at hindi naman itinuturing na health crisis ang sitwasyon, sinabing normal lang ang ganito.

Ginagawan na rin ng paraan ng gobyerno na matugunan ang kakulangan sa banyo, maging ang kakapusan ng non-potable water na ginagamit sa araw araw sa paglilinis ng evacuees na itinuturong dahilan ng pagkakasakit ng mga ito.

May libreng konsultasyon at namimigay din ng libreng gamot sa evacuees.