Kukunin ng gobyerno ng Pilipinas ang serbisyo ng mga international auction house upang madetermina kung orihinal pa rin ang mga mamahaling painting na nakumpiska kay dating Unang Ginang Imelda Marcos at kung magkano ang tunay na halaga ng mga ito.

Sinabi ni Presidential Commission on Good Government (PCGG) Chairman Atty. Andres Bautista na humingi na sila ng tulong sa Sotheby’s at Christie’s auction house upang malaman ang halaga ng mga multi-milyong pisong halaga ng painting – na kinabibilangan ng mga obra maestra nina Michaelangelo Bournarroti at Pablo Picasso – na kinumpiska ng Sandiganbayan sa limang bahay ng dating unang ginang noong Martes.

Una rito, kinatigan ng Sandiganbayan ang mosyon ng PCGG para sa attachment ng walong artwork at anim pang painting na tinukoy ni PCGG Commissioner Maita Chan-Gonzaga.

Ang mga artwork na tinukoy sa 3-pahinang Writ of Attachment ay kinabibilangan ng “Madonna and Child” ni Bounarroti na nagkakahalaga ng $3.5 milyon; “Reclining Woman IV” ni Picasso, $45,100; “LaBaignade Au Grand Temps” ni Bonnard, $52,000; “Still Life with Idol” ni Paul Gauguin, $1,000; “Portrait of the Marqueza de Sta. Cruz” ni Francisco de Goya, $800,000; “L’Aube” ni Joan Miro, £8,000; “Jardin de Kew pres de la Serre” ni Camille Pisarro, $420,000; at “Vase of Red Chrysanthemum” ni Bernard Buffet, na walang ideneklarang acquisition cost.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Ipinag-utos din ng Sandiganbayan ang anim na painting na kinabibilangan ng “Rain” ni Claude Monet, “Fruits” ni Paul Gaugin, “Masturbation” ni Francis Bacon, “Moon Madness” ni Andrew Wyeth, at dalawa pang artwork ni Boucher. - Kris Bayos