HONG KONG (AP) — Dumalo ang palabang lider ng Hong Kong sa isang flag-raising noong Miyerkules upang markahan ang National Day ng China matapos tumangging makipagpulong sa mga nagpoprotesta na nagbantang palalawakin ang mga pro-democracy demonstration kapag hindi siya nagbitiw at pumayag ang lideratong Chinese sa mas malawak na mga reporma sa eleksiyon.

Nakibahagi si Chief Executive Leung Chun-ying sa seremonya — na nagmamarka ng anibersaryo ng pagkakatatag ng komunistang China noong 1949 — habang libu-libong demonstrador na bantay-sarado ng mga pulis ang sumisiga na bumaba siy sa puwesto.

Sa kanyang talumpati, hindi direktang binanggit ni Leung ang mga nagpoprotesta na ilang araw nang nagbabarikada sa mga lansangan ng semi-autonomous territory upang igiit ang tunay na demokratikong reporma para sa unang direct elections ng Hong Kong sa 2017 para pumili ng mga lider ng lungsod.

Sinabi ni Leung sa mga botante na mas mabuti nang sumang-ayon sa plano ng Beijing na maghirang ng mga kandidato at magdaos ng isang halalan, kaysa manatili sa kasalukuyang sistema na ang Election Commission ang pipili ng chief executive.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“It is definitely better to have universal suffrage than not,” ani Leung. “It is definitely better to have the chief executive elected by 5 million eligible voters than by 1,200 people. And it is definitely better to cast your vote at the polling station than to stay home and watch on television the 1,200 members of the Election Committee cast their votes.”