Sinentensiyahan ng Sandiganbayan si dating Lilo-an, Southern Leyte Mayor Zenaida Maamo dahil sa maanomalyang pagkuha ng serbisyo ng isang food caterer nang bumisita si dating Pangulong Fidel V. Ramos sa nasabing bayan noong 1995.

Napatunayan ng mga prosecutor ng Office of the Ombudsman na si Maamo ang may-ari ng Nina’s Eatery and Lodging House na nakakuha ng P87,000 kontrata sa catering service.

Lumitaw din sa mga dokumentong iprinisinta sa paglilitis sa kasong katiwalian laban kay Maamo na siya mismo ang pumirma sa food purchase order.

Nakasaad din sa statements of assets, liabilities and net worth (SALN) para sa 1996 hanggang 1999 ni Maamo na siya ang may-ari ng Nina’s Eatery.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Nakasaad sa Section 3 ng RA 3019 na ipinagbabawal sa mga public official na magkaroon ng direct o indirect financial interest sa ano mang kalakal, kontrata o transaksiyon na sangkot o nakikibahagi siya.

Sa resolusyong ipinalabas noong Setyembre 22 at isinulat ni Justice Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta, sinabi ng korte “it was highly irregular for a municipal mayor to approve a contracting service in favor of a business she owned and operated. And in this case, accused evidently committed a palpable violation of the law by having engaged in a business transaction with the Municipality of Lilo-an by approving the food catering service in favor of Niña’s Eatery.” - Jun Ramirez