Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na bumili at gumamit lamang ng sertipikado at pasado sa pagsusuri na Christmas lights upang makaiwas sa sakuna gaya ng sunog ngayong Pasko.

Sa paggunita ng Consumer Welfare Month ngayong Oktubre, sisimulan ng DTI ang monitoring nito laban sa mga pekeng Christmas light na malimit ilako sa bangketa at tinatangkilik ng mamimili dahil sa mababang presyo nito.

Ipinaalala ng DTI sa publiko na bumili lamang ng mga produkto na may Import Commodity Clearance (ICC) mark na patunay na dumaan sa pagsusuri ng Philippine National Standard (PNS) at pumasa sa kalidad ng pamantayan ng ahensiya.

Dapat suriin ng mamimili ang malinaw na pagkakasulat ng pangalan ng supplier o distributor kasama ang address, trademark at brand name ng produkto gayundin ang wattage at rated voltage nito na may nakalagay na “for indoor use only.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hinikayat ng DTI ang publiko na i-report sa kanila ang makikitang nagbebenta ng Christmas lights na walang ICC o PS marks sa pagtawag sa numero 751-3330.