Isang kaakit-akit na volleybelle na sumabak na sa major beauty pageant ang makapagdadagdag ng glamour at spice sa Philippine Superliga (PSL) Grand Prix na hahataw sa Oktubre 18 sa Smart Araneta Coliseum.

Armado ng killer spike at nakahuhumaling na ngiti, pamumunuan ni dating Miss Oregon Alaina Bergsma ang 12 reinforcements na makikita sa aksiyon sa premiere inter-club volleyball tournament sa bansa na may basbas ng Philippine Volleyball Federation (PVF), Asian Volleyball Confederation (AVC) at ng International Volleyball Federation (FIVB).

Ang 6-foot-3 na si Bergsma, naging kandidata sa 2012 Miss USA Pageant at miyembro ng USA women's volleyball squad, ay mapapahanay kay setter Erica Adachi ng Brazil upang palakasin ang Petron para sa hinahangad nilang impresibong pagtatapos matapos na sumadsad sa nakaraang conference bagamat nasa presensiya ni top rookie Dindin Santiago.

Maliban kay Bersgma, inaasahan rin na magbibigay ng sumasagisit na fireworks si dating Cincinnati hitter Bonita Wise, na makikipagtambalan kay dating Kansas star Emily Brown para sa RC Cola.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Wise ay ‘di na iba sa Pilipinas kung saan ang kanyang ama na si Francois ay naglaro ng limang seasons sa Philippine Basketball Association (PBA) bilang import habang ang kanyang nakababatang kapatid, si Eric, ay isinuot ang Barako Bull jersey sa nakaraang PBA Governor's Cup.

Isa pang napakagandang spiker, si Kaylee Manns, ay muling magbabalik, at sa pagkakataong ito ay bilang rookie Puregold team.

Ang 26-anyos na si Manns, mayroon nang napakalaking international volleyball experience sa ilalim ng kanyang belt, ay nakita na sa aksiyon noong nakaraang taong PSL kung saan ay mapapahanay siya sa Puregold kasama si dating Florida star Kristy Jaeckel.

Kasama si Manns na gamit ang matutulis na kills para sa Puregold, ang bagong koponan ay kabibilangan ni German sensations Lindsay Stalzer at Sarah Ammerman habang ang Cignal ay hihingi ng tulong mula kina Russian tandem ni Elena Tarasova at Irina Tarasova.

Samantala, ang Generika, ay magpaparada rin ng isa pang Russian reinforcement sa katauhan ni Natalia Korobkova. Makikipagtambalan ito kay setter Miyuu Shinohara ng Japan, ang pinakabatang import na nasa edad 19 lamang.

Sinabi ni Ramon “Tatz” Suzara, presidente at CEO ng organizing Sports Core, na ang 12 guest players ay ilan sa mga pinakamahuhusay at brightest athletes sa international circuit kung saan ay pinayagan makapaglaro ng International Transfer system, na istriktong inimplementahan ng governing body, ang FIVB.

"The Grand Prix is the other program of the PSL where foreign guest players are invited to join as reinforcement of the teams," paliwanag ni Suzara. "Not only it raises the level of competition, but it also gives local players a chance to learn from these foreign players who come from countries with good volleyball program like the United States, Brazil, Russia and Japan."

"We're looking forward to another tournament of intense action and excitement," dagdag ni Suzara.