Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 509 na bagong kaso ng HIV-AIDS sa bansa nitong Agosto, inihayag ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), sa kanyang Twitter account.

Ayon kay Tayag, bunsod ng mga bagong kaso, umaabot na sa 3,908 ang bilang ng mga taong tinamaan ng HIV-AIDS sa bansa ngayong taon at 20,424 naman simula noong 1984. Hinimok niya ang mamamayan na magpasuri laban sa sakit at gumamit ng condom.

“for 2014, add 509 new #HIV in August or 16 new HIV every month since January #gettheHIVtest #useCONDOMS,” tweet ni Tayag.

“509 new #HIV in August; Brings year total to date at 3,908 & cumulative total since 1984 at 20,424 @DOHgovph,” aniya pa.

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez