cine totoo poster

Ni MELL T. NAVARRO

ISANG malaking tagumpay ang isinagawang 1st Cine Totoo Philippine International Documentary Film Festival na produced ng GMA News TV, ang news channel ng Kapuso Network, na isang linggong tumakbo (September 24-30) sa mga sinehan ng Trinoma, SM Megamall, at SM Manila.

Inakala ng ilang kasamahan sa press na nag-comment noong presscon ng event na ito, na “hindi pa handa” ang Pinoy moviegoers sa mga documentary films, dahil ang gusto ng mga mga kababayan natin ay “escapist” films na hindi nila kailangang mag-iisip at type lang maaliw.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Pero napatunayan sa 1st Cine Totoo Philippine International Documentary Film Festival na mali ang obserbasyong iyon. Bagamat tatlo lamang ang sinehan, masasabi pa ring tagumpay ito pagdating sa box office, dahil ang mga pinasukan naming sinehan na nagpapalabas ng Cine Totoo documentary ay laging 70-80% filled ng audience.

Malinaw na pinapasok ito ng tao, na karamihan ay college students at young professionals na mahilig sa makabuluhang kuwentong documentaryo.

Isa sa mga napanood namin ang Mananayaw, at nalaman namin na marami rin palang straight guys na ballet dancers. Nakapasok ako sa kanilang mundo nang panoorin ko ang dokyu ni Rafael Froilan, at naindihan ang kanilang buhay.

Pinaka-controvesial sa finalists ang Walang Rape Sa Bontok, dahil ayon sa tsikahan namin with festival director Joseph Laban, ang filmmaker ay mismong rape victim, at malalaman ito sa documentary. Naghanap ito ng lugar na walang rape crime record.

Based sa feedback, promising din ang premise ng docus nina Bebs Gohetia na Kung Giunsa Pagbuhat ang Bisayang Chopseuy, Keith Sicat na Komikero Chronicles, Richard Legaspi na Ang Walang Kapagurang Paglalakbay ng Pulang Maleta, atbp.

Ngayong gabi ang awarding rites sa Resorts World Manila grand theater, at malalaman kung aling entry ang grand winner at ipapalabas sa GMA News TV.

Kabilang sa mga hurado sina Nessa Valdellon (GMA News TV Channel Head), Howie Severino, Ditsi Carolina, Adolf Alix, at Clodualdo “Doy” del Mundo.

Umaasa kaming magiging yearly na ang event na ito, especially para sa documentary filmmakers na maraming makabuluhang mga kuwento na nais iparating sa Pinoy audience.

Kudos also to the producer na GMA News TV dahil sa oportunidad na ito. Maaaring maliit ang P150,000 film grant para sa bawat isa sa 11 entries, pero malaking bagay ang exposure na ito at pagkakataong mapanood ang mga obra ng mga dokumentarista.