TEXAS (Reuters)— Sinabi ng mga opisyal ng kalusugan sa US noong Martes ang unang pasyente na nahawaan ng nakamamatay na Ebola virus ang nasuri sa bansa matapos lumipad mula Liberia patungong Texas, sa unang senyales ng kayang kumalat sa buong mundo ng outbreak.

Nagpatingin ang pasyente anim na araw matapos dumating sa Texas noong Setyembre 20, sinabi ni Dr. Thomas Frieden, director ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), sa mamamahayag noong Martes. Ipinasok siya makalipas ang dalawang araw sa isang isolation room sa Texas Health Presbyterian Hospital sa Dallas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho