BANGKOK (Reuters) – Ipinahayag ng tourism minister ng Thailand noong Martes na maamahagi sila ng identification wristbands sa mga turista kasunod ng pamamaslang sa dalawan British backpacker nitong unang bahagi ng buwan na muling nagtaas ng pangamba sa kaigtasna ng mga turista.

Sinabi ni Tourism and Sports Minister Kobkarn Wattanavrangkul na kinausap na niya ang mga hotel kaugnay sa ideya na mamamahagi ng wristband upang makatulong sa pagkilala sa mga turista na naliligaw o nagkakaproblema.

“When tourists check-in to a hotel they will be given a wristband with a serial number that matches their I.D. and shows the contact details of the resort they are staying in so that if they’re out partying late and, for example, get drunk or lost, they can be easily assisted,” ani Kobkarn sa Reuters.

Idinagdag niya na pinag-uusapan na rin ang “buddy system”, na sasamahan ng isang turista sa isang local sa mga tourist destination.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho