INCHEON– Umasa ang Pilipinas sa napakaimportanteng laro laban sa China makaraang bokyain ang Thailand, 13-0, sa women’s softball kahapon sa 2014 Asian Games.

Nagsanib sina Veronica Belleza at Annalie Benjamen para sa kumbinasyong two-hitter at five strikeouts kung saan ay mabilis na pinutol ng Blu Girls ang laro sa apat na innings makaraang umiskor ng 13 runs sa second at third innings.

Nagtala si Morgan Stuart ng tatlong RBIs kung saan ay hinadlangan ng Blu Girls ang tatlong Thai pitchers na mayroong 15 hits. Hinayaan lamang ng Blu Girls ang dalawang Thais na makatuntong sa reach base.

Ito ang pinakamasamang pagkatalong natamo ng Thais na nakuhang makaiskor ng dalawang runs kontra sa China tungo sa 8-2 win ng huli noong Linggo.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Magtatagpo ngayon ang Blu Girls at Chinese sa ganap na alas-2:30 ng hapon sa Songdo gymnasium.

“Kaya natin ang China basta magkaisa at magtulungan lang,” saad ni Marlyn

Francisco na naglaro sa centerfield.

Nagtapat ang Blu Girls at Chinese sa pickup match sa kinagabihan ng competition na may tablang iskor makaraan ang limang innings.

Ngunit nang magtagpo sila noong Linggo, nabigo ang Blu Girls, 8-2.

Ang fielding error ang nakamit ng Blu Girls na ayon kay national coach Randy Dizer na ‘di dapat mangyari.

“As expected we will beat them but not that way na from the beginning the girls were all out with all those hits, but it’s not yet over, we need that win tomorrow,” pahayag ni Dizer.

“As far as I’m concerned, if they will play the way they played yesterday and today, malaki ang tsansa natin,” dagdag nito.

Tinapos ng Blu Girls ang six-team field na mayroong dalawang panalo kontra sa tatlong talo.

Pinamunuan ng Japan ang preliminaries na may limang magkakasunod na panalo, kabilang na ang 4-1 shellacking ng China kahapon.

Dinispatsa ng Chinese-Taipei ang South Korea, 6-0, para sa kanilang ikaapat na pagwawagi kontra sa isang talo. Magkakasubukan ang Taiwanese at Japanese sa isa pang match ngayong Wednesday, ang mananalo ay aabante sa final outright.

Haharapin ng matatalo ang magwawagi naman sa pagitan ng Pilipinas at China para sa karapatang maglaro sa final.