CHARLOTTE, N.C. (AP)- Sinabi ni general manager Rich Cho na hinihintay pa ng Charlotte Hornets ang kalalabasan ng NBA investigation bago sila magdesisyon kung pananatilihin pa ba nila si forward Jeffery Taylor kasunod sa pagkakaaresto sa domestic assault charges.

Nagsalita sa harap ng media day news conference kahapon, sinabi ni Cho na ‘di pa ‘’appropriate’’ sa organization upang umakto ng: ‘’decisively and swiftly.’’

‘’We take domestic violence as a very serious matter,’’ pahayag ni Cho.

Inihayag ng Hornets noong Sabado na ang 25-anyos na si Taylor ay ‘di papayagang magpartisipa sa anumang team-related activities isang araw na maaresto ito ng East Lansing Police sa Michigan sa kasong isang count ng domestic assault, isang count ng assault at isang count ng malicious destruction ng property matapos ang nangyaring altercation sa hotel.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi ni Cho nagsasalita siya para kay Taylor, pinakawalan noong Biyernes mula sa $5,000 bond, ngunit ‘di nito ipinaliwanag ang anumang detalye sa nasabing conversation o anumang impormasyon na may kaugnayan sa kaso. Nabatid na si GM ay walang kinalalaman sa video tape mula sa hotel na siyang magbibigay katotohasnan sa nasabing altercation.

‘’We will assist the NBA and law enforcement in any way we can until this comes to an acceptable resolution,’’ ayon kay Cho.

Hindi rin nagbigay paliwanag si Cho kung pananatilihin pa nila si Taylor sa koponan.

‘’I don’t want to get into hypotheticals,’’ saad ni Cho. ‘’The NBA is investigating. We will have to let the process play out.’’

Tinawag ni Cho ang nangyari bilang, ‘’disappointing,’’ ngunit ‘di naman niya sineryoso na magiging balakid ito sa kanila patungo sa season. Taglay ng Hornets ang 43-39 sa nakaraang season at idinagdag si Lance Stephenson para mapasama sa offseason.

Sinabi ni coach Steve Clifford kahapon na nakikipaglaban si Taylor para sa spot sa rotation, ngunit komportable na siya sa itinatakbo ng koponan.