LEGAZPI CITY - Nasa 44 na evacuation center ang mga residente sa paligid ng Mayon Volcano ngunit dahil patuloy ang mga balita sa bulkan ay lumilitaw na ito ang pinakamalaking touristic event ng bansa ngayong taon.

Ipinaliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nalalapit na ang pagsabog ng Mayon dahil sa malaking lava dome na naipon sa bibig nito. At habang naghihintay ang pagsabog, libu-libong turista ang dumadagsa sa lalawigan.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, hindi nila isinusulong ang disaster tourism ngunit habang naghihintay ng pagsabog ng bulkan, laksang turista naman ang nagpupuntahan sa Albay. Pinuna ni Salceda na malimit na nakabalandra ang mga turista sa kanilang operasyon, “ngunit hindi naman sila puwedeng hadlangan na saksihan ang pagsabog ng pinakamagandang bulkan sa mundo na hindi naman araw-araw na pangyayari.” Nagagandahan ang mga ito na panoorin ang dumadaloy na lava at mga nagbabagang material sa timog-silangang bahagi ng Mayon.

Pinapayagan naman ang mga turistang panoorin ang Mayon mula sa Ligñon Hill, Cagsawa Ruins Park, Daraga Church, Legazpi City Boulevard, Taysan Hills at Quituinan Hills, na roon ay ligtas sila. Ang mga kaganapan ng bulkan ay nakaeengganyong panoorin lalo na sa gabi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Higit na magastos at nakapapagod ang pangalagaan ang evacuees kaysa akitin ang mga turista sa Albay,” paliwanag ng gobernador. “Zero casualty kami sa nakaraang tatlong pagsabog ng Mayon sa pamamagitan ng preemptive evacuation. Sa Alert 2, higit na maraming turista ang naakit ng Mayon at wala pang pananalanta sa ekonomiya ng aming probinsiya,” dagdag ni Salceda.