INCHEON, Korea - Hangad ni Pauline Lopez, nagselebra ng kanyang ika-18 kaarawan noong nakaraang buwan, na makilala siya sa lanyang taekwondo skills bilang isang manlalaro at hindi ang kanyang kagandahan.
"I try to train and compete to be a better athlete and not a beauty queen," pahayag ng five-foot-seven na si Lopez na magsisimula ang kanyang Asian Games debut kontra kay Chinese Wang Yun ngayon sa Ganghwa Dol men s gymnasium, halos dalawang oras ang layo mula sa main hub.
"I try to not to get it in the way," saad ni Lopez, inihalin tulad ang hinggil sa extra attention na kanyang natatanggap sa Athletes Village at competition venue.
Bagamat sa kanyang physical attributes, 'di niya nakikita na sumali sa beauty pageants sa mga darating napanahon.
"Probably not. I don't think I will be successful in that," natatawang sinabi ni Lopez.
Magmamarka dito ang unang pagsabak ni Lopez sa mas mabigat na dibisyon matapos ang pagwawagi nito ng gold medal sa Asian Youth Games sa -53-kilogram division.
Napagtagumpayan rin nito ang gold sa Pan Am Open at umakyat sa Round of 16 sa world championships.
"I'm feeling pretty excited," pagmamalaki ni Lopez na isa sa nakipaghiyawan sa kanyang teammates sa sidelines sa pagsisimula ng taekwondo competition kahapon.
"There's that slight feeling of nervousness, but I'm definitely feeling good."
Kontra kay Wang, sadyang nakahanda si Lopez bagamat ang kanyang kalaban ay mas matanda sa kanya ng walong taon.
Nilinisan nito ang kanyang tahanan sa Los Angeles, California upang magsanay kasama ang national team sa huling nagdaang tatlong buwan.
Nagtapos sa Vistamar High School sa El Segundo noong nakaraang Hunyo, nag-enroll si Lopez sa California State University Northridge.
"But I am taking a gap year because I want to focus on taekwondo and training for major tournaments," pahayag nito.
Nang iselebra ni Lopez ang kanyang kaarawan noong Agosto 17, nasa Australia siya noon habang sumasabak.
"I lost that day in the quarterfinals," pag-amin nito. Bago ang pagtungo nila sa Incheon, sinorpresa si Lopez ng kanyang mga kamag-anak at teammates sa pamamagitan ng isang party sa restaurant.
Sinabi ni Lopez na siya'y magbabalik sa kanilang tahanan sa Los Angeles matapos ang Asiad.
"I miss home so much," giit nito. (Rey Bancod)