Pinalawig ng Department of Health (DOH) ng ilang araw ang kanilang anti-measles campaign upang mas marami pang bata ang mabakunahan laban sa sakit na tigdas at polio.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ini-extend nila ang kanilang Ligtas-Tigdas campaign hanggang sa Biyernes, Oktubre 3.

“It is official: #ligtassatigdas extended until friday Oct3 @dohgovph,” tweet pa ni Tayag, gamit ang kanyang Twitter account na @erictayag.

Ang naturang mass immunization campaign ay dapat na tatagal lamang ng isang buwan o mula Setyembre 1 hanggang 30.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Layunin nitong maprotektahan ang mga batas laban sa sakit na tigdas at polio at hindi na maulit pa ang naganap na measles outbreak kamakailan.

Target nito ang mga paslit na nagkaka-edad ng limang taong gulang pababa.