Nagpatupad ng bawas-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis kahapon ng madaling araw.
Epektibo 12:01 ng madaling araw nagtapyas ang Pilipinas Shell at Petron ng 20 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel at 10 sentimos sa gasolina at kerosene.
Sinundan ito ng PTT Philippines ng kaltasan ng parehong halaga sa diesel at gasolina.
Bandang 6:00 ng umaga, nagpatupad ang Phoenix Petroleum ng rollback na 20 sentimos sa diesel at 10 sentimos sa gasolina.
Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Linggo ng madaling araw unang nagtapyas ang Flying V ng 15 sentimos sa presyo ng diesel habang walang paggalaw sa halaga ng gasolina at kerosene.