John Legend

MARAMI ang hindi nakakaalam na hindi lang ang pagko-concert sa Araneta Coliseum noong Setyembre 26 ang pakay ni John Legend sa pagbisita niya sa Pilipinas.

May iba pa siyang sadya rito.

Isang araw bago ganapin ang kanyang pinakaaabangang concert, nagtungo ang 35-anyos na singer-songwriter sa isang studio sa Mandaluyong para i-record ang isang awitin na magiging bahagi ng soundtrack ng sensational movie adaptation ng mabenta at kontrobersiyal na nobela ni E. L. James na Fifty Shades of Grey.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Sinabi ni Boyet Carlos Aquino, recording engineer sa Spryta Productions, Inc., sa Yahoo Philippines na ang promoters ng show ang nagdala kay John sa studio.

“He recorded a song which I guess is for the upcoming movie Fifty Shades of Grey because that’s the name of the pro tools project file that came from him,” sabi ni Boyet sa Yahoo.

“He is one of the nicest guys I’ve worked with. He really knows his way in the studio,” kuwento pa ni Boyet.

“Alam niya kung ano ang gusto niya, ‘tsaka mas importante, alam niya ‘pag nakuha na niya ‘yung take. He did 5 or 6 takes, then listened to it one by one, he asked me to do a vocal comp from those takes that he chose.”

Sinabi ni Boyet na hanggang ngayon ay excited pa rin siya at masayang-masaya sa pambihirang experience na makatrabaho ang All of Me singer.

Tatlong taon nang recording engineer si Boyet sa Spryta Productions. Isa rin siyang musician at siya ang drummer ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Nakipagtrabaho na rin si Boyet kay Rico Blanco (para sa Yugto), sa Wolfgang (Atomica), kina Kyla, Top Suzara, Jay Durias, Maegan Aguilar, Sharon Cuneta, Jay-R, sa Macklemore & Ryan Lewis at marami pang iba. - Yahoo News