Coco Martin

DAHIL sa lumobong isyu na nagsimula sa reklamo ng grupo ng kababaihan sa napanood na pagrampa ni Coco Martin sa The Naked Truth fashion show ng Bench, particularly ang Gabriela at ang Philippine Commission on Women, humingi ng tulong ang actor kay Atty. Lorna Kapunan na agad namang sumaklolo dahil naniniwala ang topnotch lawyer na walang kasalanan si Coco sa pangyayari.

Nagpatawag kahapon ng press conference ang manager ni Coco na si Biboy Arboleda at ayon kay Atty. Kapunan, dapat ay kasama nila si Coco, pero dahil busy sa prior commitment ang aktor ay hindi ito nakadalo.

Kumusta si Coco at ano ang napag-usapan nila? May demanda bang isasampa ang aktor kaya ito nakipag-usap sa kanila?

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Well, ang sinabi niya sa akin no’ng nag-breakfast kami yesterday kung maaari i-maintain natin ang good relationship with Bench, although he was hurting kasi hindi naman siya kinausap nang personal. He said he wants to maintain the good relationship sa kanila. Six years na sila, ilang beses na rin siyang nag-model for Bench. In fairness to Bench, this is the first time that it happened,” paliwanag ni Atty Kapunan.

“Itong pagtulong namin kay Coco, more on advocacy na gusto niyang gawin o kung paano maiiwasan ang ganitong mga pangyayari sa mga susunod na panahon,” aniya pa.

Nasasaktan si Coco sa mga nangyayaring ibinubunga ng kontrobersiyal na pagrampa niya at halos hindi raw ito makausap.

Wala bang public apology na gagawin ang Bench for Coco?

“I understand that there is a commitment of Bench to explain about that thing at hindi naman kasalanan ‘yun ni Coco. Kasi most artist may morality clause, so, he is just for playing a role and hindi naman siya mismo ang voluntarily nag-violate.”

Dahil din sa paglaki ng isyu ay may tatlong endorsement si Coco na nalalagay ngayon sa alanganin. Ipinaabot na ba ni Atty. Kapunan sa Bench ang tungkol dito?

“Yes, kasi si Coco mismo ang nagbalita na pagdating niya meron daw tumawag sa kanya na meron daw isang endorser na tatanggalin ang posters niya nationwide dahil sa nangyari at hindi na namin babanggitin kung ano. Ito ‘yung epekto ng nangyari at initial na reaksiyon ng iba niyang endorsements. Kumbaga, may corporate name sila at they have to answer sa mga stockholders nila and the first thing nilang gagawin is defensive reaction. Kumbaga, tatanggalin muna nila hangga’t mag-settle down.

“Hindi naman sinasabi na tinanggal na ang mga kontrata, they are saying na more prudent and to protect their companies and their own product. Kaya ‘yun ang concern lang namin ni Coco, na huwag naman sanang mag-domino effect kasi sa industriya ‘yan ang kadalasan na nangyayari,” paliwanag pa ni Atty. Lorna Kapunan.

Naawa siya kay Coco nang magkaharap sila kaya may mga payo siya sa actor.

“My advice to Coco is to continue what he was doing. Meron siyang tinatapos pang mga project at huwag sana siyang magpaapekto. Ang feeling niya kasi head siya ng family,

Kumbaga, hindi naman niya masi-share sa lola niya, sa mga sisters niya ang problema niya, ayaw talaga niyang magdala ng problema sa bahay. You can just imagine what he was going through. Kumbaga, at the height of his career, when something like this happened. Siyempre, there is the sense na makakaapekto ito sa career niya.

Ang profile nga niya is the boy next door. Kumbaga, wala pa naman siyang ginagawa sa Bench na talagang seksi talaga, sabi nga ng manager niya, na wala pa siyang ipinakita sa Bench, kaya talaga bina-value ‘yung clean image niya at ‘yun ang nasira dyan sa Naked Truth,” banggit pa rin ni Atty. Lorna Kapunan.