Sa dami ng mga financial advice na mapapanood at mababasa sa social media, hindi mo na alam kung anu-ano ang susundin. Ngunit hindi mo dapat kaligtaan ang mga prinsipyo ng kanilang mga payo. Kung magpapanatili ka ng good habits, mas maihahanda mo ang iyong sarili sa mga agarang pangangailangan o emergency, o para sa iyong pagreretiro. Narito ang ilang tips mula sa mga eksperto sa pagbabangko…

  • Walang instant kita. – Kung may mag-alok sa iyo na kaya nilang doblehin ang iyong pera sa maigsing panahon at walang dapat ikatakot, sabihin sa kanila na alam mo na kung paano, at pagkatapos, itago mo na ang iyong pera sa bulsa. Magkaugnay ang pakikipagsapalaran at gantimpala. Ang pagdoble ng iyong pera sa maigsing panahon ay mangangahulugan ng mataas na kita sa iyong puhunan. Mangangahulugan din iyon ng mas matinding pakikipagsapalaran at isang kabalintunaan kung wala itong kaakibat na panganib. Hindi masama ang pakikipagsapalaran, ngunit ang bumigay ka sa isang alok na may hindi makatotohanang pangako ay tiyak na sama ng loob at kabiguan ang kauuwian mo.
  • Eleksyon

    Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

  • Iwasan ang makikislap na bagay. – Kapag namasyal ka sa isang mall, makikita mo ang laksa-laksang bagay na maaaring mabili ng iyong salapi: mga gadget, damit, personal na gamit, at mga oportunidad para magpakaligaya buong araw, araw-araw. Nabubuhay ang mga negosyo sa mall sa paghahasik ng mga punla ng diskuntento sa ating buhay. Halimbawa na lamang ang cellphone. Kabibili mo lang ng “latest” model ng cellphone mo at bigla na lang naglabas ang mga manufacturer ng mas maganda at mas mahal na bersiyon ng nabili mo. Hindi ba sumama agad ang loob mo? Hindi ba nanghinayang ka sa pera na sana kung naghintay ka lamang ay makukuha mo ang “latest” uli na model ng cellphone? Hindi ba nakakainis? Alam naman natin na ganoon nga ang ginagawa ng mga negosyante ng cellphone, at mahusay sila sa ganoong paraan upang madiskuntento ka sa iyong nabili para bumili pa sa kanila. Huwag mo nang pansinin kung anu-ano ang latest gadgets ng lahat ng kakilala mo. Pagtuunan mo na lang ng atensiyon ang plano mo sa buhay.

Durugtungan bukas.