Marcus Douthit.   Photo by Tony Pionilla

INCHEON- Si Marcus Douthit, ang pinaka-maligned player ng Gilas Pilipinas, ay kinakitaan ng prominenteng scoring, rebounding at blocking departments sa 2014 Asian Games.

Si Douthit, umentra sa limang mga laro, ay ranked third sa scoring, may average na 15.2 points kada laro, inungusan lamangni American-Korean Moon Taejong na taglay ang 17.6 points average at Sanchir Tungalag ng Mongolia na mayroong 16.8 points.

Naisakatuparan ni Douthit ang karamihan sa field goals, 32 for 6.4 average, at siya ang ikalawa sa pinakamahusay na rebounder na kaakibat ang 9 sa likuran ni Anton Ponomarev ng Kazakhstan na may 9.1.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa field goal conversions, si Douthit ay nasa ranggong ikapito sa 32-of-62 shooting para maitarak ang 51.6 percent.

Ang naturalized Filipino ay ikatlo sa free throw accuracy, naitala ang 12 of 15 attempts para sa 80 percent, ungos kay LA Tenorio na nagposte ng 15 of 20 para sa 75 percent.

Sa blocked shots, tumabla si Douthit sa ikatlo na may 1.8 swipes kadalaro sa likuran ni Zhou Qi ng China (2.3) at Lee Jonghyun (2.2).

Si Douthit ay ibinangko ni national coach Chot Reyes sa kanilang naging laro kontra sa South Korea, matapos na sisihin siya sa pagkabigo ng Gilas sa Qatar sa quarterfinals.

Sa three-point conversions, inokupahan nina Tenorio at Gilas teammate Jimmy Alapag ang top two spots.

Taglay ni Tenorio, naglalaro ng point guard para sa Ginebra San Miguel Beer, ang 57.9 percent sa shooting mula sa are, taglay ang 11 of19 attempts.

Naitala ni Alapag, angTalk 'NText spitfire, ang 12 of 21 tries para sa 57.1 percent.

Si Moon, tumipa ng 38 points kontra sa Gilas sa quarterfinals, ay may pinakamaraming numero sa 3-point shots, ngunit ikatlo lamang mula sa 17- of-30 sa shooting.

Naisagawa ni Alapag ang kabuuang 12 three-point shots, maigi na para sa ikalimang puwesto sa likuran ni Moon na 17.

Ang Gilas Pilipinas ang ikaapat sa pinakamahusay na three-point shooting team sa Games na mayroong average na 38.3 percent.

Pinangunahan ng Japan ang category na may 42.5 points, sinundan ng South Korea (40) at ang nakagugulat ay ang India (39.4).

Samantala sa field goal conversions, sumadsad ang Gilas sa ikasiyam na spot (43.8 percent), tinalo ng Kuwait (48.8) at Hong Kong (47.7).

Pinamunuan ng South Korea ang departamento na may 48.8 percent.

Sa free throw shooting, ungos ang Mongolia na nagposte ng 76.9 percent habang ikaapat ang Gilas na may 74.8 percent 0 80 of 107 sa shooting.

Dismayado rin ang Gilas sa ilang departamento, ikawalo sa opensa, ika-12 sa depensa, ika-11 sa rebounds at ika-12 sa assists.

Natamo ng Gilas ang 18 turnovers laban sa Qatar, ngunit nakagugulat na ikalima sa ranggo sa pagdadala ng bola, may average na 14 kada laro.

Naglaro kahapon ang Nationals sa huling pagkakataon laban sa Mongolia para sa seventh place, ang pinakamasa nilang pagtatapos sa Games.

Nagwagi ang Gilas sa India at Kazakhstan, ngunit nabigo sa Iran, Qatar, South Korea at China. (Rey Bancod)