Walang batayan ang hinanakit ng mga Fil-Am sa California na inisnab sila ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa limang araw na working visit nito sa Amerika.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., wala namang itinakdang pulong ang Pangulo sa isang Fil-Am community sa San Francisco, at ang schedule roon ng Pangulo ay ang pakikipagpulong sa mga pinuno ng dalawang malaking global entertainment company at banking firm na planong mamuhunan sa Pilipinas.

Nauna nang inihayag ng mga Pinoy sa San Francisco na nagtatampo sila kay Aquino na mas pinili pang atupagin ang pagbisita sa isang gun store at kumain sa isang hamburger store sa halip na makaharap sila.

Kabilang sa mga isyu na gusto sanang talakayin kay Pangulong Aquino ay ang temporary protection status (TPS) upang personal na iapela kay US President Barrack Obama na mailigtas sa deportation ang mga Pinoy na biktima ng kalamidad sa Pilipinas.

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'

“All it takes now is a call from him to President Obama, urging President Obama, especially in light of the recent typhoon — the devastation around the country. He has not included the overseas Filipino community, any mention of it in his State of the Nation Address. That’s 12 million people who contribute at least $24 billion a year to the Philippine economy, and it’s not worth mentioning in his State of the Nation Address. Even a shout out that says we thank the sacrifices of the overseas Filipino community, anything like that, would be greatly appreciated,” sabi ni US Pinoys for Good Governance President Rodel Rodis.