INCHEON, Korea— Agad na dinala si taekwondo jin Benjamin Keith Sembrano sa Jan Chok Medical Hospital sa labas ng 17th Asian Games Athletes’ Village kahapon makaraang ireklamo nito ang paninikip ng dibdib.

Sinuri si Sembrano sa Philippine medical team’s clinic makaraan ang almusal, kung saan ay inireklamo nito ang mahirap na paghinga.

Ang -68kg 0bet ay inisyal na sinuri ni Philippine Sports Commission (PSC) nurse Ellen Constantino na agad na inalerto ang team doctor na si Ferdinand Brawner hinggil sa kanyang unang medical issue kung saan ay nakipagkita ito sa medical team.

Agad dumating si Brawner mula sa sailing venue upang tingnan si Sembrano sa polyclinic kung saan ang mga atleta ay unang dinadala para sa emergency check up bago ipadala sa Jan Chok Medical Hospital para sa masusing pagsusuri.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Unang hinihinala ng medical team ang posibleng chest fracture na natamo ng jins’ sa intensibong pagsasanay upang paghandaan ang laban ngayon.

Ikinabahala ni Brawner ang kaso ni Sembrano na isang seryoso matapos na isailalim sa electrocardiography (ECG), blood at carbon dioxide levels ang huli.

Ang blood calcium level ni Sembrano ay , however, ay nakitaan na mataas ngunit ‘di abnormal, ayon kay Brawner.

“Nagha-hyperventilate siya when he was brought to the clinic,” giit ni Braner.

“Baka na-dehydrate during training,” dagdag ni Brawner. “But we are not taking risks, he will have to rest before he would be given the green light to train again.”

Patuloy na imomonitor ang kalagayan ng atleta para sa siguradong ligtas si Sembrano.

Nakapag-lunch naman si Sembrano at pinagpahinga bago nagbalik sa Athletes’ Village sa katanghalian kahapon.