Binigyan lamang ng limited access ng Sandiganbayan si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa files ng whistleblower na si Benhur Luy na nasa hard drive nito.
Idinahilan ng 1st Division ng anti-graft court na maaaring malabag ang privacy ni Luy kapag pinayagan nila ang hiling na unlimited access ng kampo ni Revilla.
Pero, ipinaliwanag ng hukuman na bilang akusado sa kaso ay may karapatan si Revilla na makita ang files ni Luy sa hard drive nito kapag naipresenta na ito sa korte bilang ebidensya laban sa senador sa multi-billion pork barrel fund scam.
Gayunman, nilinaw ng korte na maaari lamang makita ng kampo ni Revilla ang impormasyon sa hard drive na may kinalaman sa kaso.
Si Revilla ay kasalukuyang nakapiit sa PNP Custodial Center in Camp Crame kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder at graft kaugnay ng ‘pork’ scam.