Sa awit at at tula idinaan ng grupong Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (KARATULA) ang kanilang pagkondena sa hindi ligtas at komportableng pagsakay sa Metro Rail Transit (MRT) Station sa North Avenue, Quezon City kahapon.

Ang nasabing protesta ay isinabay sa oras ng pasukan sa umaga kahapon kung kailan maraming pasahero ng MRT ang nakapila ng mahaba ng ilang minuto bago sila nakasakay.

“This administration is not letting up. Grabe na ang sabwatan ni Noynoy, Sec. Abaya at ng mga negosyante. Instead of addressing the persistent problems of the MRT and other trains endangering the lives of the people, Malacañang is more concerned with filling the pockets of corporations,” ani Jay Del Rosario, spokesman ng KARATULA.

Sa halip na magulong protesta tulad ng maaanghang na batikos ay ginawang mga awit at tula sa mga karatula ng nasabing grupo.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ang mga awit ay pawang mga patama pa rin sa korapsyon sa Public Private Partnership (PPP) ng MRT operation.

Nakasulat sa mga placard ng raliyesta ang mga katagang “lumolobo na ang tren sa kabundatan, pati ang tiyan ng nasa Malakanyang habang tayo’y nagsisiksikan at nalalagay sa kapahamakan”.

Tinukoy din ni Del Rosario, ang pagsasapribado ng extension projects o ang MRT7 para sa P1.4 bilyong 14-station railway mula North Avenue, Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan.