IPINAGDIRIWANG ngayon ng Republic of Botswana ang kanilang Pambansang Araw na gumugunita sa kanilang kalayaan mula sa United Kingdom noong 1966.

Isang landlocked na bansa sa timog Africa, ang Botswana ay nasa hangganan ng South Africa sa timog at timog-silangan, namibia sa kanluran, Zambia sa hilaga, at Zimbabwe sa hilaga-silangan. nasa mahigit dalawang milyon ang populasyon ng bansa.Matibay ang demokrasya ng Botswana, na pinamumunuan ng isang halal na pangulo, mula nang matamo ang kanilang kalayaan. gaborone ang kapital at pinakamalaking lungsod ng Botswana. English ang kanilang opisyal na wika, ngunit karamihan sa mga mamamayan ay gumagamit ng wikang Bantu.Matapos makamtan ang kanilang kalayaan noong 1966, isa ang Botswana sa pinakamahihirap na bansa sa rehiyon na may gross Domestic Product (gDP) per capita na $70. gayunman, sa paghakbang ng mga taon, naiangat ng bansa ang kanilang ekonomiya at, noong 2013, natamo ang gDP

per capita ng mahigit $16,400.

Nagtatag ang international mining corporations ng kanilang regional offices sa Botswana dahil sa mayaman ang naturang bansa sa mineral resources. Karamihan sa resources nito ang ginto, uranium, diamante, at copper. Sinisimulan ng bansa ang venture nito sa iba pang industriya tulad ng competitive banking sector nito, upang mabawasan ang economic dependence sa mamahaling mga metal.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kumpara sa iba pang bansa sa Africa, mataas ang antas ng kalayaan ng Botswana sa eknomiya at taglay ang pangalawang pinakamataas na Human Development Index sa hanay ng continental sub-Saharan African countries.

Binabati natin ang mga mamamayan at pamahalaan ng Republic of Botswana sa pangunguna ni Pangulong Ian Khama, sa okasyon ng kanilang Pambansang Araw.