Nabatid natin kahapon na kailangan nating magkaroon ng lakas upang masunod ang ating mga hilig sa labas ng ating regular na trabaho. Marami sa atin ang tumutupad araw-araw ng tungkulin sa trabaho habang inaatupad ang iba pang interes. Upang mapanatiling mataas ang level ng iyong pisikal na lakas, kailangan mong mag-focus sa pagtulog, tamang pagkain, at exercise. Tinalakay natin kahapon ang tungkol sa pagtulog at tamang pagkain. Ipagpatuloy natin:

    • Exercise – Hindi mo naman kailangang magpunta sa gym araw-araw upang matamo ang benefits ng exercise. ang dalawampung minutong paglalakad (mula bus o jeep stop patungo sa iyong trabaho) ay sapat na upang mapataas ang level ng iyong lakas. Kung pakiramdam mo ay pagod ka, huwag mong gawing dahilan iyon upang hindi mag-exercise.
    • National

      Tinatayang 300,000 Pilipino, nakinabang sa 'Walang Gutom' program ng DSWD

    • Mental at Emotional – ang pagkakaroon ng lakas upang magawa ang iyong hilig sa labas ng iyong regular na trabaho ay kalahati lamang ng pagsisikap – ngunit gaano man ikaw kaalerto at gising, maaaring sumuko ka o mawalan ng gana na kumilos o gumawa ng kahit ano maliban sa panonood ng telebisyon.

Mahalaga na pangalagaan mo ang iyong mental at emostional na energy level. ibig sabihin:

    • Huwag mag-uwi ng trabaho. – Kung literal na nagte-take-home ka ng trabaho (o gumugugol ng mahahabang oras sa opisina upang magtrabaho), talagang lalamunin nito ang oras na maaari mong magamit sa iyong hilig. Ngunit kung wala ka namang gagawin pagkatapos maghapunan, maaari mong iuwi ang iyong trabaho upang mapagbigyan naman ang iyong emosyon (Mahalaga ang trabahong ito sa akin. Kailangan ito ni boss bukas.

Kikita ako ng malaki rito.).

  • Mag-laan ng panahon upang magpahinga. – Kung labis kang magtrabaho, at nag-uuwi ka pa ng trabaho upang may magawa sa araw ng Sabado at Linggo, matutuklasan mong bumababa ang level ng iyong productivity pati na ang iyong ligaya sa pagtatrabaho. Lahat tayo ay nangangailangan ng panahon upang magpahinga. Mag-recharge, ika nga. Hindi ito hudyat ng kahinaan, mabuti ito upang maging productive.