NCAA-Baste-vs-EAC_02pionilla_290914-550x279

Gaya ng inaasahan, na-forfeit ang laro ng Mapua kontra sa kanilang kapitbahay sa Intramuros na Letran College (LC) kahapon sa pagpapatuloy ng second round ng NCAA Season 90 basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Dahil sa kakulangan ng manlalaro bunga nang nangyaring pagsuspinde sa karamihan ng kanilang mga player na nasangkot sa gulo sa nakaraang laban nila ng Emilio Aguinaldo College (EAC) noong Lunes, hindi na sumipot ang Cardinals sa laro.

Bunga nito, nakamit ng Knights ang panalo na nag-angat sa kanila sa barahang 7-9 (panalo-talo) at nagbaba naman sa Cardinals sa barahang 4-12.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“Kahit no-bearing ‘yung game, pangit na manalo kami dahil sa forfeiture. Kaya lang kailangan nating sundin ‘yung desisyon ng ManCom. Hindi naman kasi ito parehas sa mga commercial leagues na ginagawang staggard ang mga suspension dahil mga estudyante ang naglalaro dito, so kailangang disiplinahin,” pahayag ni Letran assistant coach Mike Buendia.

“May kasalanan sila kaya sila naparusahan, ‘yun nga lang pangit kasi para sa liga yung ganitong forfeiture,” dagdag naman ng isa pa nilang assistant coach na si Gerald Francisco.

Kapwa wala na sa kontensiyon ang Knights at ang Cardinals para sa Final Four round.