DAPAT ay isa sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF) entries ang !bong Adarna, na dinirek ni Jun Urbano at produced ng Gurion Entertainment. Kaya lang, hindi puwedeng dalawa ang entry ni Rocco Nacino, na matatandaang Pedro Calungsod: Batang Martir ang naging pinal na napiling kasali.
Pero hindi nawalan ng loob ang producers at si Direk Jun, dahil gusto nilang maipakita ang kanilang obra sa mga Pinoy. Ibong Adarna: The Pinoy Adventure na ang title ng pelikula at ipakikita rito ang back story ng Ibong Adarna. Bakit nga ba naging ibon ang isang magandang dalaga? Pinoy na Pinoy na ang concept at sa halip na hari at reyna sina Joel Torre at Angel Aquino, sultan at sultana sila. Nilagyan din ng comedy situation ang movie. Kontrabida si Leo Martinez na gagawin ang lahat para makuha ang pagiging sultan ng kapatid na si Joel Torre, sa tulong ng assistant niyang si Benjie Paras. Pero puro palpak ang mga ginagawa nila. May love angle din sina Leo at Lilia Cuntapay.
Kuwento ni Direk Jun, nagrereklamo raw si Aling Lilia (na laging gumaganap na multo at aswang sa mga pelikula) na wala siyang love angle, kaya pinagbigyan niya ito. Ano kaya ang ginawa niya kay Leo Martinez?
Kumuha rin si Direk Jun ng isang baguhang artista, ang beauty queen na si Pat Fernandez bilang diwata na tumulong kay Rocco para mahuli nito ang Ibong Adarna na ang tinig ay makapagpapagaling sa maysakit na sultan.
Based sa napanood naming preview ng movie, mahirap ang pinagdaanan ni Rocco na may eksena pang nakipaglaban sa natives at ang ginamit na sibat sa kanya ay totoo. Kuwento ni Direk Jun, nagulat siya nang makita niyang nadaplisan sa likod ni Rocco at noon lang niya nalaman na totoo pala ang sib at na ginamit. Hindi na nagreklamo si Rocco, bahagi na raw ng trabaho niya bilang artista ang magkaroon ng ganoong disgrasya.
Mahusay ang pagganap ng mga artista at maganda ang production design at cinematography ng Ibong Adarna na kinunan nila sa iba't ibang lugar sa bansa. Kasama rin si Ronnie Lazaro, mapapanood na ito simula bukas, October 1. Suportado ang pelikula ng Department of Education dahil required nilang panoorin ito ng mga mag-aaral mula sa elementary hanggang college.