Maghihigpit ang Civil Service Commission (CSC) sa mga ahensiya ng pamahalaan na nais magpatupad ng 4-day work week.

Ipinahayag ni CSC Chairman Francisco Duque na dapat munang lusutan ng isang tanggapan ng pamahalaan ang isang application bago sila payagang magpatupad ng nasabing sistema.

Sa ilalim ng sistema, aniya, maaaring ipatupad ang Tuesday-to-Friday o Monday-to- Thursday work schedule sa mga opisina ng gobyerno sa Metro Manila kung saan magtatrabaho ang mga empleyado ng mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, kasama na ang kanilang lunch break.

Ipinaliwanag ni Duque na bagamat maraming tanggapan ng gobyerno ang maaaring magpatupad ng bagong polisiya batay sa survey, tutukuyin muna ng CSC ang kakayahan ng isang tanggapan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Duque, kinakailangang may mga kondisyon bago maaprubahan ang kanilang application.

Nilinaw nito na maaaring magapply ang isang ahensya ng gobyerno kung ito ay nasa NCR na saklaw ng mga sumusunod: Mayroong frontline services na maa-access sa Internet ng publiko, mayroong “one-stop shop” ng mga transaksyon nito, at maaasahang call center.

Bukod dito, dapat ding magkaroon ng skeletal workforce ang tanggapan, sa loob ng isang buwan, sa araw na mawawalan na ng pasok.