Inspirasyon ngayon ng Philippine Archers’ National Network and Alliance, Inc. (PANNA) ang elite athlete archers na sina Paul Metron dela Cruz at ang batang si Luis Gabriel Moreno sa pagtala ng kasaysayan para sa bansa.

Ito ay matapos na iuwi ng 16-anyos na si Moreno ang unang gintong medalya sa 2nd Youth Olympic Games sa Nanjing, China bago sinundan ni Dela Cruz na itinala din ang isa pang kasaysayan sa paghablot ng unang medalya sa Asian Games sa pagsungkit ng tansong medalya.

“We are very proud of Paul and will continue to support him. The honor our archer Paul Merton Dela Cruz has given to our country is a true testament that archery is fast becoming the medal hopeful in the Olympics and to the World Championship,” sinabi ni PANNA president Federico Moreno.

“It will be a long and difficult journey but the Filipino Archer and PANNA will overcome this challenge,” dagdag pa nito sa naging ambag ni Dela Cruz sa kampanya ng Pilipinas na mayroon pa lamang naiuuwing dalawang medalyang pilak at dalawang tanso.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Matatandaan na hinablot ni Dela Cruz ang tansong medalya sa individual compound matapos nitong talunin si Muhammad Zaki Bin Mahazan ng Malaysia, 140-139, upang putulin ang mahabang panahong pagkauhaw ng mga archer sa kada apat na taon mula pa noong 1978 Bangkok Asian Games.

Dalawang tanso sana ang makukubra ni Dela Cruz, subalit nabigo ang kinabibilangan niyang men’s compound team kasama sina Earl Benjamin Yap at Ian Patrick Chipeco kontra sa Iran. Unang nabigo sa labanan ang bansa para sa gintong medalya kontra sa host Korea sa isang puntos lamang, 227-228.

Ang buong koponan ay binubuo nina Dela Cruz, Earl Yap, Ian Chipeco, Jeff Adriano, Amaya Paz, Joan Chan-Tabanag, Abigail Tindugan, coach Dondon Sombrio at team manager-PANNA sec. general Atty. Clint Aranas.