KINGSTON, Jamaica (AP) — Sinabi ng health minister ng Jamaica noong Linggo na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para labanan ang bagong dating na virus na dala ng lamok na gumagambala sa buhay at nagbabawas sa pagiging produktibo ng Caribbean island.

Sa pambansang talumpati na inilabas sa telebisyon at radyo, sinabi ni Fenton Ferguson na ang chikungunya virus ay kumakalat sa buong Jamaica at “everyone is susceptible.”

Ang chikungunya virus ay bihirang nakamamatay ngunit lubhang makirot na sakit na mabilis kumalat sa Caribbean at iba pang bahagi ng Latin America matapos magsimula ang local transmission sa maliit na French dependency ng St. Martin noong nakaraang taon, hatid ng isang nahawaang air traveler. Pinakamatinding tinamaan ang Dominican Republic
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras