Ni ANGELINE NICOLE RIVAMONTE, trainee

SAWA ka na ba sa ads na iyong nakikita sa Facebook? May naiibang sagot para riyan si Paul Budnitz. Ginawa ni Budnitz ang Ello, isang social networking site na inilabas kamakailan at naikukumpara na sa Facebook, ang pinakamalaki at pinakakilalang social networking site sa buong mundo. Ang sinasabing kakaibang feature ng site na ito ay wala itong advertising.

Si Budnitz ay 47-year old designer at entrepreneur na nakabase sa Vermont at New York. Masasabing kakaunti lamang ang laman ng website ng Ello; iilan lang ang litrato, at ang black text na nasa white background nito ay maaari pang mag-iba at magbago.

Inumpisahan ni Budnitz at ng isang team ng mga designer ang paggawa ng naturang site noong Enero. Nais nilang makagawa ng site na walang kahit na anong bakas ng advertising at hindi ganoon kalaki ang iyong circle of friends. "To me personally, to those who created this network, the Internet has started to suck a bit because people see it as an advertising platform. We wanted to make the social network we wanted," sabi ni Budnitz sa isang interview.

National

Tinatayang 300,000 Pilipino, nakinabang sa 'Walang Gutom' program ng DSWD

Sa unang tingin, para kang nasa Tumblr at Twitter. Gaya ng Tumblr, maaari kang makapagpost ng pictures at maging ng iyong saloobin, mahaba man o maikli. Gaya naman sa Twitter, puwede ka na mag-mention ng mga kaibigan mo at makikita mo iyon sa iyong profile at sa profile ng iyong kakilala/ kaibigan. Nangako ang Ello na palagian itong magiging adfree dahil ayon sa kanila, ang tanging paraan para makabenta ng kanilang mga advertisement ay sa pamamagitan ng pagkuha ng user data, at ayaw nilang mangyari ang ganoon.

Sinasabing walang "Like" button na makikita sa Ello sapagkat ang "Like" button ay isang paraan para makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay na interesado ang user. Mas madali ito kesa tumingin ng mga written post -- ibig sabihin, kapag ang isang user ay nag-"like" sa isang bagay, magiging madali para sa Facebook na ibenta ang naturang bagay kaya magkakaroon ang Ello ng sariling version ng "like" - isang "Love" button, na magagamit para makapag-save ng iba't ibang post.

Bago mag-sign up sa Ello, kailangan mong mag-invite. Ang bawat bagong user ay nangangailangan ng 25 invites. Kapag nakakuha ka ng Golden Ticket, madali nang mag-sign up. Kailangan mo lang mamili ng username na magiging kapareha ng iyong URL. Mamimili ka rin ng iyong magiging display name na puwede mong palitan kahit kailan mo gustuhin. Puwede mo ring gawing anonymous sa kabuuan ang iyong account. Ang tanging kailangan lang na impormasyon ay ang iyong email address kumpara sa Facebook sign-up na kailangan ng birthdate at gender.

Para makapag-post, kailangang i-click ang black box para makapag-type. Mayroong support page ang Ello para sa pag-format ng text. Para naman makapag-mention ng user, maglagay lang ng "@" symbol sa unahan ng kanilang username, at lalabas na ang iyong post sa kanilang page gaya sa Twitter. Sa ngayon ay hindi pa makakapag-post ng video pero maaari nang makapagupload ng pictures ang users. Puwedeng i-filter sa dalawang paraan ang iyong news feed sa Ello: "Friends" o "Noise". Kapag nag-view ka sa iyong Friends tab, makikita mo lahat ng post ng kahit sinong tao na iyong minarkahan bilang Friend. Sa Noise tab naman, makikita mo ang parang Pinterest grid ng mga post galing sa mga taong minark mo as Noise. Dinisenyo ang ganito upang madaling makita ng mga user ang posts na hindi sila ganoong interesado. Kapag clinick mo ang "Friend" sa profile ng kahit na sino, automatic na nafofollow mo ang kanilang post pero hindi nangangahulugan na nag-send ka ng friend request. Sa ganitong paraan, malaki ang pagkakatulad ng Ello sa Twitter.

Kasalukuyang nasa Beta version ang Ello kaya asahan na ang bugs. Wala rin itong masyadong feature gaya ng user blocking at mobile app. May listahan na ng mga available at upcoming features na makikita sa kanilang website na ello. co. Mayroon din itong Ello Facemaker Tool na bagamat hindi gumagana ngayon, kapag puwede nang magamit ay maaari mong i-paste ang Ello logo sa iyong mukha para maitago mo ang iyong identity at kabilang ka na sa Elloans.