ALIAGA, Nueva Ecija - Natutuliro ang mamamayan sa bayang ito kung sino sa dalawa nilang alkalde ang dapat na sundin dahil kapwa idineklarang nanalo sa halalan ang dalawa.

Unang idineklara ng Municipal Board of Canvassers na nanalo ang re-electionist na si Elizabeth Vargas, pero naghain ng election protest si Reynaldo Ordanes sa Regional Trial Court (RTC) Branch 30 at sa recounting of ballots ay idineklarang nagwagi si Ordanes, at lamang pa ng 11 boto.

Agad namang nagpalabas ng writ of execution si Judge Virgilio Caballero na nag-aatas na bumaba sa puwesto si Vargas, pero hindi naihain ni Deputy Sheriff Victoria Roque ang nasabing kautusan dahil hindi sila nakatuntong sa munisipyo, at sa halip ay sa himpilan na lang ng pulisya sila naghintay para makausap ang municipal administrator na si Emmanuel San Juan.

Isang streamer ang nakasabit sa harap ng compound ng munisipyo na nagsasaad ng “Patuloy ang paglilingkod”, na tumutukoy kay Vargas, kasunod ng pagpapakalat ng kampo ng huli ng kopya ng temporary restraining order na inisyu umano ng Commission on Elections (Comelec) en banc para pigilan ang pag-upo sa puwesto ni Ordanes.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa isang text message, iginiit ni Ordanes na siya ang lehitimong alkalde ng Aliaga dahil sa susunod na linggo ay posibleng masuspinde ang TRO na pabor kay Vargas.

Bantay-sarado ngayon ng Provincial Public Safety Company (PPSC) at Aliaga Police ang munisipyo, habang sinisikap naman ng mga opisyal ng hukuman na maisilbi ang writ of execution kay Vargas.