Ang Pilipinas ay nasa tinatawag na Ring of Fire na nakapalibot sa Pacific na tadtad ng mga bulkan na regular na sumasabog. Karamihan sa mga bulkang ito ay nasa Pilipinas. At ang isa roon – ang Mayon na nasa Albay – ay nagsimulang mag-alburoto noong Lunes, Setyembre 15, 2014.
Sa pangunguna ni gov. Joey Salcesay, nagpatupad agad ng emergency program ang Albay. Mahigit 10,000 residente na nakatira sa loob ng danger zone ang agad na inalerto para sa paglilikas. Saklaw ng Permanent Danger Zone (PDZ) ang mga lugar anim na kilometro mula sa bibig ng bulkan, kung saan malamang na bumagsak ang mga nagbabagang mga bato sa pagsabog. Mayroon ding Extended Danger Zone (EDZ) na walong kilometro timog-silangan ng bibig na inaasahang dadaluyan ng lava.
Ang mga apektadong residente ay nailikas na sa mga evacuaton center na nasa ilalim ng pangangalaga ng mga pamahalaang lokal. nagpapatuloy din ang mga klase sa ilalim ng contingency plan ng Department of Education. Mahusay ang pagkakabalangkas ng evacuation plan sapagkat mayroon ding probisyon na pagkain at tubig para sa mga alagang hayop ng mga mangsasakta at mga pet upang hindi na sila magparoo’t parito sa mga sakahan upang alagaan ang kailang mga hayop.
Isa sa kasiya-siyang mga istorya bunga ng pagsabot ng Mayon ay tungkol sa isang hotel sa guinobatan, Albay na nagbukas ng mga silid nito para sa 30 pamilya at ang mga pasilyo nito bilang mga silid-aralan. Sabi ng may-ari ng Charisma Hotel na si Mogs Padre, batid niya na mahirap para sa mga may kapansanan, mga bagong silang na sanggol, at matatanda na manatili sa masisikip na evacuation center kaya inalok niya ang kanyang hotel sa pamahalaang lokal.
Mahigit dalawang linggo na mula nang iniyu ang volcano alert ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Patuloy na minomonitor ng Phivolcs ang panganib at gayong waring nanahimik ang bulkan, nagbabala ang Phivolcs na ang full lunar eclipse sa Oktubre 8, sa panahon na inaasahang mas matindi ang paghila nito sa mundo, ay maaaring mag-udyok sa Mayon na sumabog.
Ano man ang mangyari sa susunod na mga araw, nakatitiyak tayo na kontrolado ng mga opisyal ng Albay ang situwasyon. Ang kanilang well-organized disaster mitigation plan at ang buong kooperasyon na ipinamalas ng taumbayan ay sapat na upang hindi gaano silang maapektuhan ng pagsabog ng Mayon at sana zero casualties.