TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Anim na binatilyo ang naaresto ng awtoridad matapos umanong limasin ang isang tindahan sa Barangay New Isabela ng lungsod na ito dakong 2:00 ng umaga nitong Linggo.

Nabawi mula sa anim na suspek, edad 15-17, ang dalawang Nokia cell phone, 10 kilo ng bigas, malaki-laking bulto ng iba’t ibang grocery items at mga baryang aabot sa P500, na sinasabing nadakip habang papatakas mula sa panlilimas sa tindahan ng isang Ginoong Tabura.

Sa pagsisiyasat, inamin ng mga binatilyo na marami na silang nagawang pagnanakaw, partikular sa Bgy. New Isabela at sa bahagi ng Poblasyon, samantala nakatakas naman ang leader nilang kinilala lang bilang Alyas Tata, ng Cagayan de Oro City.

Ililipat ng pulisya sa City Social Welfare and Development Office ang kostudiya sa mga binatilyo. - Leo P. Diaz
National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!