Richard Poon

PATAPOS na ang summer sa Japan pero kasing tindi pa rin ng sikat ng araw ang pagtanggap ng libu-libong kababayan natin sa third installment ng biggest event sa Japan, ang Philippine Festival sa Ueno Park, Central Tokyo, na itinanghal kamakailan sa pakikipagtulungan ng The Filipino Channel (TFC).

Ang Philippine Festival, na dating kilala bilang Barrio Fiesta sa Yokohama ang bumubuhay sa tradisyon ng Filipino fiesta sa Japan simula noong 2012, sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa ilalim ng pamumuno ng Ambassador ng Pilipinas sa Japan, His Excellency Manuel Lopez. Tampok sa pagdiriwang ang mga pagkain, costumes at iba pang kinaugalian na sa kulturang Pinoy. Ngayong taon, ang fiesta na suportado ng Japan Ministry of Foreign Affairs (MOFA), ay nagbibigay pugay din sa pagkakaibigan ng Japan at ng Pilipinas.

Taun-taon, suportado ng TFC ang Philippine Festival. Ngayong taon, lalong naging makahulugan ang pakikipagtulungan ng Philippine Festival sa TFC dahil ipinagdiriwang ng premier network ang 20th anniversary nito. Ayon sa managing director ng ABS-CBN Asia Pacific na si Ailene Averion, magkarugtong ang selebrasyon ng ikatlong Philippine Festival at ika-20 anibersaryo ng TFC.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa pagdiriwang ng pistang Pinoy ay naitataguyod at naipapakita ang Filipino community sa Japan ng kultura at kahusayan ng mga Pilipino. Ganito rin naman ang hangad ng TFC na nagbibigay halaga sa ‘Galing ng Filipino’.

“TFC forges ahead with the Greatness of the Filipino by sharing world-class talents which ABS-CBN TFC is known for, in events such as these,” sabi ni Ms. Averion. “But beyond the entertainment value, TFC’s role lies in how it helps Filipinos remain connected with pieces of home found in homegrown content and these kinds of events.”

Bilang bahagi ng 20th anniversary, inihandog ng TFC ang romantic ensemble at heartfelt renditions ng Big Band Crooner at ASAP Sessionista na si Richard Poon, na ikinatuwa ng Filipino fans.