Sylvia-Sanchez-copy1

SAPAT na panahon para bumawi sa pamilya ang katwiran ni Sylvia Sanchez kaya gusto muna niyang magpahinga at magbakasyon pagkatapos ng Be Careful With My Heart kaysa magtrabaho ulit.  Halos pareho sila ng katwiran nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na pareho niyang nakaipon na.

‘Yung ibang artista kasi pagkatapos ng project ay nananalangin na sana may kapalit dahil siyempre bukod sa kailangan nila ay para rin ito sa kanilang exposure para hindi sila totally makalimutan.

“Hindi naman sa hindi ko kailangan, pero kailangan ko ring bigyan ng panahon ang pamilya ko, ang asawa ko, ang mga anak ko hindi ko na nakikita, nagkakasalubong na lang kami sa gate, papasok siya sa school, pauwi naman ako para matulog.  ‘Yung bunso ko pumapasok na rin so, minsan hindi ko na rin nakakalaro.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Sabi ko naman, open ako sa project, pero sana by February or March na lang ako mag-start, ‘wag naman agad-agad,” paliwanag ni Ibyang. “Hindi ko pa po alam (ang sunod na assignment niya), pero kung sino ‘yung maunang mag-offer ‘tapos okay naman yung role, then why not?”

Pero para mayroon pa rin siyang pagkakakitaan ay mamimili si Ibyang pagpunta ng pamilya niya sa ibang bansa para may pangbenta siya.

“Para maski paano ay me kita pa rin, mahirap din kasi ang matengga ka ng ilang buwan sa bahay, so para maski paano, magtitinda-tinda ako, ito naman dati ang ginagawa ko,” kuwento ng aktres.

Pero sa susunod na buwan ay lalong magiging visible si Sylvia para sa promo ng pelikulang The Trial na pagbibidahan nina John Lloyd Cruz, Richard Gomez at Gretchen Barretto.

Gagampanan ni Ibyang sa The Trial ang tomboy na nanay ni John Lloyd, at may asawa siyang bakla.

“Oo, grabe, tomboy ako kaya nga ako nagpagupit ng buhok, at ang peg ko si Aiza (Seguerra) kasi siya ‘yung nakakasama ko lagi sa Be Careful kaya siya ‘yung hinihingan ko ng tips.

“At para ma-feel ko na talagang tomboy ako, nagsusuot talaga ako ng brief, as in, para ramdam ko talaga,” seryosong kuwento ng aktres.

Noong una ay hindi pa kami naniniwala kasi puwede namang magsuot ng damit panglalaki maliban sa underwear.

“Ay hindi, brief talaga suot ko. At ‘yung bra, pinagawan ako ni Aiza ng bra na tulad ng suot niya, kasi, ‘di ba, flat dapat ang dibdib, eh, ‘pag ‘yung ordinaryong bra na suot din ng mga tomboy, masakit sa gilid lalo na kung may suso ka, eh, itong ‘pinagawa ni Aiza, hindi masakit.

“Kaya ‘yung bra na suot ko, sponsor ni Aiza, black and white ‘yung ‘pinagawa niya para sa akin.  Maganda at masarap isuot,” kuwento ni Sylvia.

Biniro namin si Ibyang kung hindi ba niya nagustuhan o hinahanap-hanap ang papel bilang tomboy kapag nasa bahay na siya.

“Ay hindi, babae ako, marami akong kaibigang tomboy at bakla, pero babae ako, mas gusto ko ang maging babae, ‘no,” nanlalaking mga matang sabi ng mahusay na aktres.