Nilinaw ng Malacañang na hindi minamaliit ng gobyerno ang kumakalat na balita ng umano’y recruitment ng militanteng Islamic State in Syria and Iraq (ISIS) sa bansa.

Ito ang paglilinaw ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte kasunod ng pahayag ni Basilan Bishop Martin Jumoad na hindi dapat balewalain ng awtoridad ang panghihikayat ng ISIS sa kabataan na sumapi sa grupo.

Agad namang sinagot ni Valte na hindi isinasantabi ng awtoridad ang mga napaulat na recruitment ng ISIS dahil ayaw nilang madagdag pa ito sa problema o kaguluhan sa bansa.

Gayunman, kung meron mang umiiral na grupong ISIS sa bansa, ito ay posibleng mga “sympathizer” lang at walang tunay na miyembro, batay na rin sa assessment ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa usapin.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Kaugnay ng pangamba sa seguridad sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero, tiniyak ng Malacañang na personal na pangangasiwaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang pagtiyak sa seguridad upang masiguro na mababantayan ang Papa laban sa anumang banta sa buhay nito.