VATICAN CITY (AP)— Pinuri ni Pope Francis noong Linggo ang kahalagahan ng matatanda, kabilang na ang kanyang sinundan na si Pope Benedict XVI, na sumama sa kanya sa isang seremonya sa St. Peter’s Square na kumikilala sa kontribusyon ng matatanda sa lipunan.

Libu-libo katao, karamihan ay mga lolo at lola at kanilang mga apo, ang pumalakpak nang sabihin ni Francis, 77, na ang paninirahan ni Benedict, 87, sa Vatican ay “like having the wise grandfather at home.” Iniabot naman ni Pope Benedict ang kanyang kamay kay Francis bilang pagpapasalamat.

Ikinalungkot ni Pope Francis na ang matatanda ay madalas na “forgotten, hidden, neglected,” tinawag ang trato na ito na katumbas ng euthanasia. “A people that doesn’t take care of its grandparents and treat them well is a people with no future,” dagdag niya.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina