TOKYO (Reuters)— Mahigit 500 rescuer sa Japan ang nagpapatuloy sa paghahanap noong Lunes sa mga biktima ng bulkan na sumabog nang walang mga senyales nitong weekend, iniwang patay ang apat katao at 27 pa ang pinangangambahang namatay sa biglaang pag-ulan ng abo at bato.

Sumugod ang mga naghahanap sa tuktok ng Mount Ontake, na naging tila buwan sa makapal na abo, kung saan karamihan sa mga biktima ng unang malagim na pagsabog ng bulkan sa Japan simula noong 1991, ang pinaniniwalaang nahulog malapit sa bungga ng bulkan.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists