Marian-Rivera

KABABALIK lang ni Marian Rivera mula sa first bridal shower niya sa Hong Kong Disneyland, ang tinaguriang “happiest place on earth”. Napangiti si Marian nang tanungin kung bakit doon niya ginawa ang bridal shower.

“Gusto ko ring ma-experience na maging parang bata uli, gusto kong makita sina Mickey Mouse at iba pang Disney characters. Wala akong pakialam na rumampa roon na naka-white dress, veil at sash na may nakasulat na ‘bride to be’. Saka promise kong treat iyon sa Lola Francisca at Mama Amy ko, na dapat noon pang nanggaling ako sa US concert tour namin pero naging busy nga ako.  Kaya ito ang naisip kong gawin for my first bridal shower, with friends at lola at mama ko, doon kami nagpunta.

“Nag-enjoy kaming lahat, pero saka na lamang po ninyo makikita ang mga pinaggagawa namin doon, isa ito sa mga sorpresa namin sa inyo ni Dingdong (Dantes) na nasa Germany naman with his friends para sa ibinigay na stag party nila sa kanya.  Naka-video po lahat ‘yon,” masayang kuwento ni Marian.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Magtatrabaho sana agad si Marian kinabukasan pagbalik niya sa bansa, pero hindi siya naka-join sa “Juan for All All for Juan” segment ng Eat Bulaga dahil napakalayo ng location kaya hindi na siya pinasama nina Jose Manalo at Wally Bayola.  Sumunod na araw, nag-shoot naman siya ng TV commercial.

Kahapon, nagtungo naman siya sa huling auction ng mga gamit niya sa Lewis Grand Hotel, para sa kanyang “Kapuso-Adopt-A Bangka” project para sa mga mangingisdang nasalanta ng bagyong Yolanda, kasabay ng Kapuso Fans Day sa sa SM City Clark, ang first time ni Marian sa Pampanga.

“Bale ito po ang pangalawa kong exhibit ng mga gamit ko pagkatapos ng successful show namin sa Cebu last August 10.  Mga damit ko po ito na ginamit ko sa mahahalagang events ng buhay ko, tulad ng mga TV guestings ko at mga regional promo tours.  Ang kikitain po namin dito ay idadagdag sa mga naipon naming donations mula sa mga partners namin sa proyekto.  Kaya ipinagdasal ko na sana’y maraming mag-participate upang higit nating matulungan ang mga kababayan natin sa Bantayan Island.  At ipinaaabot ko na rin ang pasasalamat ko sa lahat ng mga tumulong upang matupad ang layunin nating makatulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Cebu.”